Sa white paper na inilabas Abril 6, 2021 kaugnay ng karanasan ng Tsina sa pagbabawas ng karalitaan, inilahad ang kahanga-hangang kasaysayan ng paghulagpos ng mga mamamayang Tsino mula sa karalitaan sa pamumuno ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).
Ito ay muling nagpatunay na ang pagbabawas ng ganap na karalitaan ay kapuwa “pinakamalaking proyekto sa pagsusulong ng karapatang pantao sa daigdig” at “pinakamabuting aksyong nagpapasulong ng karapatang pantao.”
Sa proseso ng pagbabawas ng karalitaan, palagiang ginagawang esensyal na bahagi ang mga kababaihan, kabataan, matatanda, taong may kapansanan, at minoryang nasyonalidad.
Ayon sa white paper, mula taong 2016 hanggang taong 2020, nai-ahon mula sa karalitaan ang 15.6 milyong populasyon ng Tsina mula sa 5 rehiyong awtonomo ng mga minoryang nasyonalidad, at 3 lalawigan (Guizhou, Yunnan, Qinghai) na mayroong iba’t ibang nasyonalidad.
Sa kasalukuyan, ang karalitaan ay nananatiling suliranin ng buong daigdig.
Ang karanasan ng Tsina sa pagbabawas ng karalitaan ay magpapalakas sa kompiyansa ng iba’t ibang bansa, partikular ang mga umuunlad na bansa, sa paghulagpos sa karalitaan.
Ipinagkaloob ng Tsina ang kalutasang may estilong Tsino sa pagbabawas ng karalitaan, at pagpapasulong ng pag-unlad ng karapatang pantao ng buong daigdig.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio