CMG Komentaryo: Pang-uupat ng mga bansang kanluranin ng isyu ng bulak sa Xinjiang, para sa hegemonya

2021-03-31 17:05:07  CMG
Share with:

CMG Komentaryo: Pang-uupat ng mga bansang kanluranin ng isyu ng bulak sa Xinjiang, para sa hegemonya_fororder_9fea55dfa50640aea44f6a4dd64a261e-1280

 

Ipinatalastas kamakailan ng ilang kompanyang dayuhan ang pag-boykot ng mga bulak mula sa Xinjiang dahil di-umano sa "sapilitang pagtatrabaho" sa lugar na ito.

 

Sa katotohanan, ang di-umanong "sapilitang pagtatrabaho" ay taliwas sa kasalukuyang kalagayan ng produksyon ng bulak sa Xinjiang na pangunahin na, ay gumagamit ng mga makina. Noong 2020, 70% ng mga bulak sa Xinjiang ay inani sa pamamagitan ng makina.

 

Samantala, ang industriya ng bulak ay mahalagang industriya ng Xinjiang, at ito ay pangunahing pinagmumulan ng kita ng mga lokal na residente. Ang pagtutulak ng mga bansang kanluranin boykotin ang mga bulak mula sa Xinjiang ay hindi lamang nakakapinsala sa industriyang ito, kundi lumalapastangan din sa karapatan sa paghahanapbuhay ng mga lokal na mamamayan.

 

Ang Xinjiang ay mahalagang bahagi ng Tsina, at sa mula't mula pa'y isinasagawa ng pamahalaang Tsino ang mga hakbangin, para pabutihin ang pamumuhay ng mga mamamayan dito, at panatilihin ang katatagang panlipunan.

 

Ang pang-uupat ng mga bansang kanluranin ng isyu ng bulak sa Xinjiang ay hindi para sa karapatang pantao, kundi para sa kanilang hegemonya sa heopolitika. Ang tunay nilang tangka ay ang sirain ang katatagan sa Xinjiang, at likhain ang kaguluhan sa Tsina.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method