CMG komentaryo: Tamang hakbangin ng Tsina sa pag-ahon sa kahirapan, bagong landas para sa pagbabawas ng karalitaan ng sangkatauhan

2021-04-08 16:16:39  CMG
Share with:

Inilabas kamakailan ng Tsina ang white paper hinggil sa karanasan ng bansa sa pagbabawas ng karalitaan ng sangkatauhan.
 

Ayon sa white paper, hanggang katapusan ng 2020, natapos ng Tsina ang tungkulin kaugnay ng usapin ng pag-ahon sa kahirapan, ayon sa nakatakdang iskedyul.
 

Napuksa ng bansa ang kahirapan sa lahat ng halos 100 milyong populasyon ng kanayunan, batay sa umiiral na pamantayan.

CMG komentaryo: Tamang hakbangin ng Tsina sa pag-ahon sa kahirapan, bagong landas para sa pagbabawas ng karalitaan ng sangkatauhan_fororder_20210408karalitaan1

Ayon sa pandaigdigang pamantayan ng kahirapan ng World Bank, ang bolyum ng mga mamamayan Tsino na nabigyan ng mas maginhawang pamumuhay ay katumbas ng mahigit 70% ng kabuuang populasyong nai-ahon ng buong mundo mula sa kahirapan.
 

Dagdag pa riyan, 10 taong mas maagang naisakatuparan ang target sa pagbabawas sa karalitaan na itinakda sa 2030 Agenda for Sustainable Development ng United Nations.
 

Paano nagawa ng Tsina ang ganitong himala sa usapin ng  pagbabawas sa kahirapan?
 

Ang tamang hakbangin sa pag-ahon sa kahirapan ay isa sa mga masusing karanasan.
 

Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng ganitong hakbangin, pinataas ng Tsina ang pangkalahatang episyensiya ng pagbabawas sa kahirapan.

CMG komentaryo: Tamang hakbangin ng Tsina sa pag-ahon sa kahirapan, bagong landas para sa pagbabawas ng karalitaan ng sangkatauhan_fororder_20210408karalitaan2

Bukod dito, ang mga aksyong gaya ng industrial targeted poverty alleviation, pagbibigay-tulong sa mahihirap sa aspekto ng ekolohiya, at pagbibigay-tulong sa mahihirap sa pamamagitan ng edukasyon ay mabisang nakapagpasulong din sa paghulagpos ng bansa sa karalitaan.
 

Sa pamamagitan ng pagpuksa ng Tsina sa ganap na kahirapan ayon sa nakatakdang iskedyul, nakita ng ibang mga bansa na kung may lakas-loob, pangmalayuang pananaw at pananagutan, mahahanap ang angkop na paraan, at walang humpay na aabante ang sangkatauhan, tungo sa mundong ligtas sa kahirapan at may komong kaunlaran.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method