Ayon sa white paper hinggil sa karanasan ng Tsina sa pagbabawas ng sangkatauhan sa karalitaan na inilabas Martes, Abril 6, 2021 ng Konseho ng Estado ng Tsina, aktibong sumasali ang Tsina sa pandaigdigang pangangasiwa sa karalitaan, at walang humpay na nagpapalalim ng pagpapalitan at pagtutulungan sa larangan ng pagbabawas sa karalitaan.
Ayon sa ulat ng pananaliksik ng World Bank, bunga ng Belt and Road Initiative na inilunsad ng Tsina, mahigit 7.6 milyong mamamayan ng mga kasaping bansa ang makakahulagpos sa lubusang kahirapan, at 32 milyon naman ang maiaahon mula sa katam-tamang lebel ng kahirapan.
Anang white paper, nitong nakalipas na 70 taon sapul nang itatag ang Republika ng Bayan ng Tsina, ipinagkaloob ng bansa ang iba’t ibang porma ng saklolo sa mahigit 160 bansa sa Asya, Aprika, Latin-Amerika, Caribbean, Oceania at Europa at mga organisasyong pandaigdig, nabawasan ang utang ng mga kaukulang bansa, at ibinigay ang tulong para sa pagpapatupad ng mga umuunlad na bansa ng Millennium Development Goals.
Bukod dito, sa pamamagitan ng paglalatag ng mga plataporma, pag-oorganisa ng mga pagsasanay, pagpapalitan ng mga think tank at iba pang porma, isinasagawa ng Tsina ang pagpapalitan sa pagbabawas sa karalitaan, at ibinabahagi ang karanasan sa aspektong ito.
Salin: Vera
Pulido: Mac