Inilabas Martes, Abril 6, 2021 ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina ang white paper hinggil sa karanasan ng Tsina sa pagbabawas ng sangkatauhan sa karalitaan.
Komprehensibong sinariwa ng white paper ang 100 taong karanasan ng paglaban ng mga mamamayang Tsino sa karalitaan, sa ilalim ng pamumuno ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), at ipinakita ang tagumpay sa usapin ng pagbabawas sa karalitaan ng Tsina at ibinigay na ambag sa daigdig sa aspektong ito.
Anang white paper, ang reporma at pagbubukas ay malaking nakapagpasulong sa pag-unlad ng Tsina, at nakapagpabilis ng proseso ng pagbabawas sa karalitaan ng bansa.
Sapul nang idaos ang ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC, sa pamamagitan ng 8 taong tuluy-tuloy na pagsigasig, hanggang noong katapusan ng 2020, naisakatuparan ng Tsina ang target at tungkulin ng pag-ahon sa karalitaan sa bagong panahon.
Anang white paper, bilang isang bansa na ang populasyon ay katumbas ng 1/5 ng populasyon ng daigdig, komprehensibong napawi ng Tsina ang lubusang kahirapan, at 10 taong mas maagang naisakatuparan ang target sa pagbabawas sa karalitaan na itinakda sa 2030 Agenda for Sustainable Development ng United Nations. Ito ay hindi lamang milestone sa kasaysayang pangkaunlaran ng nasyong Tsino, kundi malaking pangyayari rin sa kasaysayan ng pagbabawas sa karalitaan at pag-unlad ng sangkatauhan.
Bukod sa paunang salita at konklusyon, may limang bahagi ang nasabing white paper na kinabibilangan ng solemnang pangako ng CPC, komprehensibong tagumpay na natamo ng pagpawi sa karalitaan sa bagong panahon, pagpapatupad ng estratehiya ng tamang-tamang hakbangin sa pag-ahon sa kahirapan, paghahanap ng bagong landas para sa pagbabawas ng sangkatauhan sa karalitaan, at magkakapit-bisig na pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan at walang karalitaan.
Salin: Vera
Pulido: Mac