Inokulasyon gamit ang bakunang gawa ng Tsina, sinimulan sa Nepal

2021-04-08 17:04:42  CMG
Share with:

Opisyal na sinimulan Abril 7, 2021, sa Nepal, ang pag-iniksyon ng bakuna kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na gawa ng Tsina.

 

Sa seremonya ng pagsisimula, ipinahayag ni Dr. Dipendra Raman Singh, Direktor Heneral ng Departamento ng Serbisyo ng Kalusugan ng Nepal, na kaloob ng Tsina ang bakuna para sa buong daigdig, at ito ay modelo ng pagtatayo ng mas pantay na serbisyong pangkalusugan para sa lahat.

Inokulasyon gamit ang bakunang gawa ng Tsina, sinimulan sa Nepal_fororder_nepal

Inaprobahan Pebrero 17, 2021, ng Nepal ang pangkagipitang paggamit ng bakunang gawa ng Tsina.

 

Samantala, dumating Marso 29, 2021, sa Kathmandu, punong lunsod ng Nepal, ang bakunang kaloob ng Tsina.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method