Ayon sa ulat, ipinahayag kamakailan ni Ned Price, Tagapagsalita ng Kagawaran ng Estado ng Amerika, na lubos ang pagkabahala ng Amerika sa walang tigill na “pambu-bully” ng Tsina sa Taiwan Straits. Aniya, may kakayahan ang panig Amerikanong depensahan ang anumang dahas na posibleng magsasapanganib sa seguridad ng Taiwan at iba pang porma ng “coercion.”
Kaugnay nito, ipinahayag nitong Huwebes, Abril 8, 2021 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na dapat lubos na alamin ng panig Amerikano ang mataas na sensitibidad ng isyu ng Taiwan, at huwag isagawa ang anumang mapanganib na kagawian sa isyung ito.
Diin pa niya, tungkol sa pagdungis ng Amerika sa Tsina sa pagsasagawa ng umano’y “pambu-bully” at “coercion,” hinding hindi dapat sisihin ng Tsina ang mga ito.
Salin: Lito
Pulido: Mac