Dumating Abril 11, 2021, sa Yaounde, punong lunsod ng Cameroon, ang mga bakuna kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na gawa ng Sinovac ng Tsina.
Ito ang unang pangkat ng bakunang tinanggap ng Cameroon sapul nang pumutok ang COVID-19.
Sa seremonya ng pagsalubong sa paliparan, ipinahayag ni Wang Yingwu, Embahador ng Tsina sa Cameroon, na mabisa at ligtas ang bakunang gawa ng Tsina, at tiyak na matutulungan ng mga ito ang Cameroon sa paglaban sa COVID-19.
Aniya, ang taong 2021 ay ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Cameroon, at nakahanda ang Tsina na patuloy na magsikap, kasama ng Cameroon, para palalimin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa iba’t ibang larangan.
Samantala, taos-pusong pinasalamatan at pinapurihan ni Joseph Ngute, Punong Ministro ng Cameroon, ang tulong na ipinagkaloob ng Tsina.
Agaran aniyang ibabahagi ang mga bakuna sa buong bansa, at gagawing priyoridad ang mga tauhang medikal.
Nauna rito, plano ng Cameroon na kumuha ng bakunang gawa ng AstraZeneca noong Marso, pero dahil sa isyung pangkaligtasan ng nasabing bakuna, itinigil ang planong ito.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio