Sa news briefing ng Joint Prevention and Control Mechanism ng Konseho ng Estado ng Tsina nitong Linggo, Abril 11, 2021, inihayag ni Wu Liangyou, Pangalawang Direktor ng Departamento ng Pagkontrol sa mga Sakit ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, na hanggang nitong Abril 10, mahigit 164 na milyong dosis na bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ang naitinurok sa iba’t ibang lugar ng bansa, at ang bilang na ito ay pumapangalawa sa buong mundo.

Samantala, pumasok na sa pinal na yugto ng pagtasa para sa Emergency Use Authority (EUA) ng World Health Organization (WHO) ang bakunang gawa ng Sinovac Biotech Ltd. ng Tsina.

Kaugnay nito, isinalaysay ni Liu Peicheng, Tagapagsalita ng Sinovac, na sa sandalling makamit ng kanyang kompanya ang EUA ng WHO, ihaharap at ilalabas ng grupo ng mga dalubhasa ang mungkahi sa paggamit ng bakuna.
Salin: Vera
Pulido: Rhio