Dumating Abril 10, 2021 sa Quito, punong lunsod ng Ecuador, ang ikalawang pangkat ng bakuna kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na gawa ng Tsina.
Sa news brefing na idinaos sa paliparan, ipinahayag ni María Alejandra Muñoz, Pangalawang Pangulo ng Ecuador, ang pasasalamat sa Tsina.
Aniya, ang araw na ito ay araw na may lubos na pag-asa para sa mga mamamayan ng Ecuador.
Ang bakunang kaloob ng Tsina ay mahalagang garantiya sa maalwang pagpapasulong ng pagbabakuna sa bansa, dagdag niya.
Samantala, ipinahayag ni Chen Guoyou, Embahador ng Tsina sa Ecuador, ang kanyang kaligayahang ang bakuna gawa ng Sinovac ay nagsisilbing pangunahing bakuna sa ilalim ng kasalukuyang pambansang plano ng pagbabakuna ng Ecuador.
Nakahanda aniya ang Tsina na patuloy na palalalimin, kasama ng Ecuador, ang kooperasyon ng paglaban sa COVID-19 sa iba’t ibang larangan.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio