Dumating Abril 11, 2021 ng Baghdad, punong lunsod ng Iraq, ang ikalawang pangkat na bakuna kontra Corona Virus Disease 2019(COVID-19 ) na gawa ng Tsina.
Sa seremonya ng pagsalubong, ipinahayag ni Zhang Tao, Embahador ng Tsina sa Iraq na mabuting magkaibigan at magpartner ang Tsina at Iraq, at nagtutulungan ang dalawang bansa sa paglaban sa COVID-19.
Samantala, sa ngalan ng pamahalaan ng Iraq, pinasalamatan ni Hassan al-Tamimi, Ministro ng Kalusugan ng Iraq, ang tulong ng Tsina.
Aniya, ang Tsina ay ang kauna-unahang bansa na nagkaloob ng bakuna sa Iraq.
Ito aniya ay gaganap ng mahalagang papel sa paglaban at pagkontrol ng COVID-19 sa bansa.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio