Opisyal na inilunsad nitong Miyerkules, Marso 24, 2021 ng China Media Group (CMG) ang Cross-Strait Radio at new media platform nitong “Pagmasdan ang Taiwan Straits.”
Dumalo sa seremonya ng paglulunsad sina Nie Chenxi, Direktor ng National Radio and Television Administration; Shen Haixiong, Presidente ng CMG; at Liu Jieyi, Puno ng kapuwa Tanggapan ng mga Gawain ng Taiwan ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina at Tanggapan ng mga Suliraning ng Taiwan ng Konseho ng Estado.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Shen na ang kapalaran ng Taiwan ay nakakasalalay sa reunipikasyon ng bansa, at ang pag-unlad ng mga kababayang Taiwanes ay nakakasalalay sa pag-ahon ng nasyong Tsino.
Diin niya, ang paglulunsad ng nasabing platapormang panradyo ay magpapasulong sa pagkilala sa reunipikasyopn ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits.
Maaabot ng pagsasahimpapawid ng naturang plataporma ang timog silangang babaying dagat ng Chinese mainland at rehiyon ng Taiwan. Dalawampung oras itong magsasahimpapawid sa wikang Mandarin bawat araw, at apat ang pangunahing programa na isasahimpapawid, na kinabibilangan ng mga balita at komentaryo, serbisyo sa pamumuhay, kultura at sining, at musika’t turismo.
Salin: Vera
Pulido: Rhio
Miyembro ng parliamento ng Alemanya, tumanggap ng suhol mula sa Taiwan
Tsina at daigdig sa 2021 CMG Spring Festival Gala: Progamang “Landas ng Paghahanap ng Pangarap”
Inklusibong pag-unlad ng magkabilang pampang ng Taiwan Strait, pasusulungin—Li Keqiang
Tsina: binalaan ang Amerika na huwag ipadala ang maling signal sa Taiwan