3 sabwatan, naibunyag sa puspusang pagsusulsol ng Amerika sa isyu ng Xinjiang — Tsina

2021-04-14 10:36:14  CMG
Share with:

Bilang tugon sa pananalita ni Antony Blinken, Kalihim ng Estado ng Amerika, tungkol sa Xinjiang, ipinahayag nitong Martes, Abril 13, 2021 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang walang tigil na panunulsol ng ilang personaheng Amerikano sa isyu ng Xinjiang, at puspusang pagdungis sa Tsina, ay lubos na nagbubuyag ng kanilang 3 sabwatan: una, tinangka nilang guluhin ang Xinjiang para pigilan ang pag-unlad ng Tsina; ikalawa, sirain ang relasyon ng Tsina at mga bansang Muslim; ikatlo, takpan ang masamang rekord na kanilang sariling nagawa sa mga Muslims.

 

Diin pa niya, tiyak na mawawasak ang mga kasinungalingan ng panig Amerikano tungkol sa Xinjiang, at tiyak na mabibigo ang tangka nilang pigilan ang Tsina sa pamamagitan ng umano’y isyu ng Xinjiang.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method