Anumang kasinungalingan, kusang mawawasak — Tsina

2021-04-14 10:29:48  CMG
Share with:

Kamakailan inilabas sa website ng pamahalaan ng Kanada ang travel advisory hinggil sa Tsina kung saan idinagdag ang paalala kaugnay ng  umano’y panganib sa ilang Xinjiang-related areas.

 

Kaugnay nito, ipinahayag nitong Martes, Abril 13, 2021 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na walang anumang batayan ang naturang travel advisory ng Kanada.

 

Tinukoy ni Zhao na maraming beses na pinabulaanan ng panig Tsino ang mga kasinungalingan tungkol sa Xinjiang na niluluto ng walang anumang batayan ng ilang organo at tauhan ng mga bansang Kanluranin.

 

Dagdag pa niya, winiwelkam ng panig Tsino ang paglalakbay ng mas maraming dayuhang personahe sa Xinjiang para malaman ang tunay na kalagayan doon. Sa harap ng katotohanan, mawawasak ng kusa ang anumang kasinungalingan at huwad na impormasyon, diin niya.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method