
Opisyal na pina-iral ngayong araw, Huwebes, Abril 15, 2021 ang Biosecurity Law ng Tsina.
Layon nitong pangalagaan ang mga mamamayan laban sa mga bantang dulot ng epidemiya at ibang mga aspekto ng biosecurity.
Ayon sa batas, bubuuin ng Tsina ang 11 saligang sistema para sa pagpigil at pagkontrol sa mga banta ng biosecurity, na gaya ng pagmomonitor at paunang babala, pagbabahagi ng mga impormasyon, pangkagipitang pagtugon, imbestigasyon at paghahanap ng pinagmulan, at iba pa.
Sa ilalim ng batas, itatatag din ang pambansang mekanismo ng koordinasyon para sa mga gawain ng biosecurity, na kinabibilangan ng mga ministri ng kalusugan, agrikultura, siyensiya't teknolohiya, suliraning panlabas, at iba pang mga departamento ng Konseho ng Estado, pati na rin ang mga ahensiya ng militar.
Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan