Kalakalan ng Tsina at Amerika noong unang kuwarter, mabilis na lumago

2021-04-16 15:12:26  CMG
Share with:

Sinabi nitong Huwebes, Abril 15, 2021 ni Tagapagsalita Gao Feng ng Ministri ng Komersyo ng Tsina na noong unang kuwarter ng taong ito, mabilis na lumago ang kalakalan sa pagitan ng Tsina at Amerika.
 

Kabilang dito, lumaki ng 62.7% ang pagluluwas ng Tsina sa Amerika, at 57.9% naman ang pagtaas ng pag-aangkat mula sa Amerika. Samantala, mabilis ang paglaki ng pag-aangkat ng enerhiya, produktong agrikultural, kotse at mga piyesa nito at iba pa.
 

Saad ni Gao, sa mula’t mula pa’y ipinalalagay ng panig Tsino na ang mutuwal na kapakinabangan at win-win results ay esensya ng kooperasyong pangkabuhaya’t pangkalakalan ng Tsina at Amerika. Dapat likhain ng kapuwa panig ang kondisyon sa pagpapasulong sa ganitong kooperasyon, batay sa paggagalangan at pantay-pantay na pakikitungo.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method