Ayon sa datos ng kalakalang panlabas noong unang kuwarter ng taong 2021 na isinapubliko nitong Martes, Abril 13, 2021 ng panig opisyal ng Tsina, lumaki ng 29.2% ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng Tsina kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon.
Kabilang dito, 38.7% ang paglaki ng pagluluwas ng Tsina, at 19.3% naman ang paglaki ng pag-aangkat ng bansa. Bunga nito, natamo ng Tsina ang napakabuting simula ng kalakalang panlabas sa taong kasalukuyan.
Sa ngayon, kabilang sa mga sanhi ng matatag na paglaki ng kalakalang panlabas ng Tsina ay una, sa aspekto ng pagluluwas, kasunod ng pagpapalawak ng pagbabakuna, lumitaw ang mainam na tunguhin ng pag-ahon ng kabuhayang pandaigdig, bagay na puwersang nakakapagpasulong sa mabilis na paglaki ng pagluluwas ng Tsina; ikalawa, sa aspekto ng pag-aangkat, ang walang tigil na pagpapanumbalik ng produksyon ng industriya, pamumuhunan, at konsumo ng Tsina, ay nakakapagpasigla sa pag-ahon ng pag-aangkat; lalong lalo na, ang mabisang pangkalahatang pagpaplano ng Tsina sa pagpigil at pagkontrol sa pandemiya at pag-unlad ng kabuhayan, ay nagkakaloob ng puwersang suporta sa sustenable at matatag na operasyon ng kalakalang panlabas.
Ngunit kung gagawin ang mataimtim na obserbasyon, matutuklasang di madaling makuha ng kalakalang Tsino ang nasabing napakabuting simula sa 2021.
Una, nagiging mas balanse ang distribusyon ng rehiyong pangkalakalan ng Tsina. Samantala, sa natamong bunga ng kalakalang panlabas ng Tsina, nakikita ng iba ang positibong epektong dala ng patuloy na pagpapasulong ng Tsina ng pagbubukas sa mas mataas na lebel.
Ang pagbubukas ng Tsina ay nakakabuti, hindi lamang sa sarili, kundi maging sa buong mundo.
Mula sa maluningning na pagpakita ng kalakalang panlabas ng Tsina, malinaw na nakikita ang lakas ng win-win cooperation.
Salin: Lito
Pulido: Mac