Hapon: Dapat maagang isakatuparan ng Tsina ang carbon neutrality; Tsina: Dapat ayusin ng Hapon ang pagtatapon ng wasterwater ng Fukushima

2021-04-16 15:56:09  CMG
Share with:

Sa pagdalo sa summit ng BloombergNEF, Abril 14, 2021, hinimok ni Koizumi Shinjiro, Ministro ng Kapaligiran ng Hapon, ang Tsina na pabilisin ang pagbabawas ng emisyon ng greenhouse gas, at marating ang peak ng emisyon ng carbon sa lalo madaling panahon.

 

Kaugnay nito, ipinahayag Abril 15, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na isasakatuparan ng Tsina ang pangako sa pamamagitan ng aktuwal at epektibong aksyon.

Hapon: Dapat maagang isakatuparan ng Tsina ang carbon neutrality; Tsina: Dapat ayusin ng Hapon ang pagtatapon ng wasterwater ng Fukushima_fororder_zhaolijian

Aniya, hinimok ng Tsina ang Hapon na hawakan ang mga sarili nitong suliranin, ayusin ang isyu ng radioactive wasterwater ng Fukushima nuclear power plant sa responsableng paraan.

 

Samantala, tinukoy ni Zhao na, ginugol ng mga maunlad na bansa ang 50 hanggang 60 taon para makamit ang carbon neutrality mula sa peak ng emisyon ng carbon, at planong isakatuparan ng Tsina ang target na ito sa loob ng 30 taon, at hindi madali ito.

 

Sinabi rin ni Zhao na, hindi tinupad sa takdang panahon ng Hapon ang ikalawang pangako ng Kyoto Protocal, tumanggi itong magbigay ng ambag para sa pagbabawas ng emisyon ng buong mundo. Bilang maunlad na bansa, mas maagang naisakatuparan ang pagdarating ng peak ng emisyon ng carbon ng Hapon kumpara sa Tsina, pero mas nahuli ang Hapon sa pagtupad ng pangako ng carbon neutrality kasunod ng Tsina.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac

 

Please select the login method