Pahayag ng Hapon hinggil sa “ligtas” na nuclear wastewater, hindi kapani-paniwala

2021-04-16 15:03:31  CMG
Share with:

Ang kapasiyahan ng Hapon  na itapon  sa dagat ang radioactive wastewater ng Fukushima Daiichi nuclear power plant ay nakatawag ng mariing pansin ng mga nakapaligid na bansa, pero ipinalalagay ng ilang tao na walang siyentipikong batayan ang pagbatikos ng Tsina at Timog Korea sa Hapon. Kaugnay nito, inihayag nitong Huwebes, Abril 15, 2021 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina ang malubhang pagkabahala at mariing kawalang kasiyahan ng Tsina at Timog Korea sa nasabing kapasiyahan. Aniya, walang kuwalipikasyon at paninindigan ang Hapon na batikusin ang pagpuna ng ibang bansa.
 

Diin ni Zhao, ang pahayag ng Hapon hinggil sa “ligtas” na nuclear waste water ay nababatay lamang sa unilateral na datos, at hinding hindi ito nakakapanatag ng kalooban. Aniya, kailangang tanggapin ng Hapon ang mungkahi ng International Atomic Energy Agency (IAEA), at buuin ang technical working group, kasama ng mga kaukulang bansa na kinabibilangan ng Tsina at Timog Korea, para isagawa ang pagtasa.
 

Tinukoy rin niyang habang sumusuporta sa kapasiyahan ng Hapon, ipinagbabawal ng Amerika ang pag-aangkat ng mga produktong Hapones na gaya ng bigas at isda. Samantala, ipinagdiinan ng Food and Drug Administration (FDA) ng Amerika na dahil sa isyu ng kalusugang pampubliko na may kinalaman sa radiation at polusyong nuklear, pinalakas na ng FDA ang pagsusuperbisa’t pangangasiwa sa mga may restriksyong produkto ng Hapon.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method