Hindi nasisiyahan ang mga dalubhasa ng UN sa desisyon ng Hapon na itapon ang radioactive wasterwater sa dagat

2021-04-16 15:57:19  CMG
Share with:

Hindi nasisiyahan ang ilang kinauukulang dalubhasa sa karapatang pantao ng United Nations sa kapasiyahan ng Hapon na itapon ang radioactive wasterwater ng Fukushima nuclear power plant sa dagat.

 

Ayon sa mga dalubhasa, posibleng maapektuhan ng aksyong ito ng Hapon ang buhay at pagtatrabaho ng ilang milyong populasyon sa rehiyong Pasipiko.

 

Sa magkasanib na pahayag na inilabas Abril 15, 2021, sinabi ng mga dalubhasa na nakakapag-alala ang kapasiyahang ito ng Hapon, posibleng malubhang maapektuhan ang kapaligiran at buhay ng maraming tao, na magdulot ng napakalaking banta sa paggarantiya ng kinauukulang karapatang pantao.

Hindi nasisiyahan ang mga dalubhasa ng UN sa desisyon ng Hapon na itapon ang radioactive wasterwater sa dagat_fororder_UN

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method