Taunang ulat ng BFA sa 2021, ipinalabas: bahagdan ng paglaki ng kabuhayang Asyano sa 2021, lalaki ng mahigit 6.5%

2021-04-18 22:00:08  CMG
Share with:

Taunang ulat ng BFA sa 2021, ipinalabas; bahagdan ng paglaki ng kabuhayang Asyano sa 2021, lalaki ng mahigit 6.5%_fororder_20210418Boao550

Boao, probinsyang Hainan ng Tsina — Idinaos Linggo, Abril 18, 2021 ang taunang pulong ng Boao Forum for Asia (BFA).

 

Matapos ang pulong, inilabas ang dalawang mahalagang ulat hinggil sa paglaki ng kabuhayang Asyano ngayong taon, at tinatayang lampas sa 6.5% na pag-angat nito.

 

Ang naturang dalawang ulat ay ang mga sumusunod: “May Sustenableng Pag-unlad na Asya at Daigdig” at “Prospek at Proseso ng Integrasyon ng Kabuhayang Asyano.”

 

Bilang tradisyonal na ulat ng BFA, tinukoy ng huli na sa epekto ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), malinaw na mas mabuti ang ipinakikitang pag-ahon ng kabuhayang Asyano kumpara sa iba pang lugar ng daigdig.

 

Ayon kay Li Baodong, Pangkalahatang Kalihim ng BFA, mananatili pa ring kritikal na elementong direktang makakaapekto sa paglaki ng kabuhayang Asyano ang pandemiya ng COVID-19 sa taong ito.

 

Ngunit, kasunod ng unti-unting paglulunsad ng malawakang pagbabakuna ng ilang ekonomiyang Asyano, walang tigil na tumataas ang posibilidad na mabisang makokontrol ang pandemiya, ani Li.

 

Ang kasalukuyang taon ay ika-20 anibersaryo ng pagkakatatag ng BFA, at sa kauna-unahang pagkakataon, ipinalabas ang ulat ng “May Sustenableng Pag-unlad na Asya at Daigdig.”

 

Sa pamamagitan ng analisasyon sa pag-unlad ng mga bansang Asyano na gaya ng Tsina, India, Indonesia, at Hapon na may rehiyonal na representasyon, tinukoy nito na ang kalusugan, imprastruktura, luntiang paglilipat, at digital gap ay kasalukuyang mga hadlang sa sustenableng pag-ahon ng kabuhayang Asyano.

 

Kaugnay nito, ipinahayag ni Siddharth Chatterjee, Tagapagkoordina ng United Nations (UN) sa Tsina, na malaki ang katuturang pampatnubay ng naturang dalawang ulat para mapabilis ang pagbangon ng kabuhayang pandaigdig.

 

Hinahangaan din niya ang isinasagawang hakbangin ng Tsina sa pagpigil at pagkontrol sa pandemiya ng COVID-19.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method