CMG Komentaryo: talagang hindi na ba magbabago ang masamang ugali ng mga politikong Hapones?

2021-04-18 14:13:51  CMG
Share with:

Nitong Biyernes, Abril 16 (local time), 2021, ipinalabas ng summit ng Amerika at Hapon ang magkasanib na pahayag na may tema ng magkasamang pagharap sa Tsina.

 

Pawang binanggit sa nasabing pahayag ang mga usaping gaya ng East China Sea, South China Sea, Taiwan, Hong Kong, at Xinjiang na may kaugnayan sa soberanya at nukleong kapakanan ng Tsina.

 

Ang Hapon ay parang tagapagsilbi ng Amerika.

 

Kaugnay nito, sinabi ng Nihon Keizai Shimbun (Nikkei) na ang kasalukuyang kalagayan ng Hapon ay “posibleng magamit sa basta-bastang paraan.”

 

Nitong ilang taong nakalipas, nakikita ang mithiin ng Hapon sa pagpapabuti ng relasyon sa Tsina. Ngunit bakit biglang nagbago ang  polisya nito?

 

Bukod sa presyur mula sa Amerika, ang sagot ay isyung panloob.

 

Layon ng ilang politikong Hapones na gamitin ang Amerika para abutin ang sariling estratehiya na pigilan ang pag-unlad ng Tsina.

 

Dagdag pa rito, dahil sa pagkabigo ng gabinete ni Suga Yoshihide sa pakikibaka laban sa pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) at pagpapa-ahon ng kabuhayan, lubos na kinakailangan ang oportunidad para ipasa ang sisi sa iba kaugnay ng mga nangyari sa loob ng bansa.

 

Ito ay upang makuha ng Liberal Democratic Party ang suporta ng mga mamamayang Hapones sa idaraos na halalan.

 

Sapul nang umakyat sa poder si Joe Biden, itinuturing nito ang Tsina bilang pinakamahalagang kalaban, bagay na nagkakaloob ng kinakailangang oportunidad sa Hapon.

 

Ngunit dapat malaman ng ilang politikong Hapones na ang isyu ng Taiwan ay may kaugnayan sa nukleong kapakanan ng Tsina.

 

Kung magsasabwatan ang Hapon at Amerika sa paghamon sa Tsina, tiyak silang aani ng matinding pagganti.
 

Ang 2022 ay ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Hapon, talagang handa ba ang gabinete ni Suga Yoshihide upang salubungin ang may katuturang historikal na taong ito sa paraan ng komprontasyon?


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method