Tsina, tinututulan ang magkasanib na pahayag ng pulong ng mga lider ng Amerika at Hapon

2021-04-17 17:46:04  CMG
Share with:

Tsina, tinututulan ang magkasanib na pahayag ng pulong ng mga lider ng Amerika at Hapon_fororder_111111

 

Ipinahayag ngayong araw, Sabado, ika-17 ng Abril 2021, ng tagapagsalita ng Embahada ng Tsina sa Amerika, ang kawalang-kasiyahan at pagtutol sa paglakip ng Amerika at Hapon ng mga nilalaman tungkol sa Tsina sa magkasanib na pahayag ng pulong ng mga lider ng dalawang bansa.

 

Sinabi ng nasabing tagapagsalita, na ang mga suliranin ng Taiwan, Hong Kong, at Xinjiang ay suliraning panloob ng Tsina, samantala ang mga isyu naman ng East China Sea at South China Sea ay may kinalaman sa soberanya ng Tsina. Napapaloob ang mga ito sa saligang kapakanan ng Tsina, at hindi dapat makialam sa mga ito ang ibang bansa, diin niya.

 

Dagdag ng tagapagsalita, ang naturang aksyon ng Amerika at Hapon ay lumampas na sa saklaw ng bilateral na relasyon. Nakapinsala ito aniya hindi lamang sa kapakanan ng ikatlong panig, kundi kapayapaan at katatagan din ng Asya-Pasipiko.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method