Muling hinimok kahapon, Biyernes, ika-16 ng Abril 2021, ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang Hapon, na maging responsable sa isyu ng paghawak ng radioactive wastewater ng Fukushima Daiichi nuclear power plant, sundin ang prinsipyo ng siyensiya, at isabalikat ang mga obligasyong pandaigdig.
Sinabi rin ni Zhao, na hindi maaring simulan ng Hapon ang pagtatapon ng wastewater sa dagat, hangga't hindi nagkakasundo sa isyung ito ang mga may kinalamang panig at organisasyong pandaigdig.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos