Sa okasyon ng pagsasarili ng Zimbabwe: pangulo ng bansa, ipinahayag ang pasasalamat sa tulong ng Tsina sa paglaban sa COVID-19

2021-04-19 16:59:06  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati Abril 18, 2021, sa seremonya ng pagdiriwang sa Ika-41 Anibersaryo ng Pagsasarili ng Zimbabwe, ipinahayag ni Pangulong Emmerson Dambudzo Mnangagwa na napakahalaga ng ipinagkaloob na tulong na materyal at bakuna ng Tsina at iba pang kaibigang bansa para sa kampanya ng Zimbabwe kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), pagbangon ng kabuhayan, at pagpapanumbalik ng kaayusan ng pamumuhay at produksyong pang-ekonomiya.

Sa okasyon ng pagsasarili ng Zimbabwe: pangulo ng bansa, ipinahayag ang pasasalamat  sa tulong ng Tsina sa paglaban sa COVID-19_fororder_zimbabwe

Nanawagan din siya sa mga mamamayan na aktibong magpa-iniksyon ng bakuna kontra COVID-19 para isakatuparan ang herd immunity sa lalo madaling panahon.

 

Ipinahayag pa ni Mnangagwa na sa patnubay ng estratehiya ng pag-unlad na itinakda ng pamahalaan, mabilis na bumabangon ang iba’t ibang industriya sa Zimbabwe.

 

Aniya, nagsisikap ang pamahalaan para pasulungin ang pag-u-upgrade ng kabuahayan, at pataasin ang lebel ng pag-unlad ng manupaktura.

 

Ipinahayag niyang sa pamumuno ng pamahalaan ng Zimbabwe, tiyak na maisasakatuparan ang “Vision 2030,” na lalo pang magpapabuti sa pamumuhay ng mga mamamayan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method