Bakunang CoronaVac ng Tsina, napatunayang napaka-epektibo — Opisyal ng Chile

2021-04-19 15:37:05  CMG
Share with:

Sinabi nitong Linggo, Abril 18, 2021 ni Andres Couve, Ministro ng Siyensiya, Teknolohiya, Kaalaman at Inobasyon ng Chile, na isinapubliko noong Biyernes ng Ministri ng Kalusugan ng Chile ang pinakahuling datos hinggil sa episyensiya ng bakunang CoronaVac na gawa ng Sinovac Biotech Ltd. ng Tsina.

Bakunang CoronaVac ng Tsina, napatunayang napaka-epektibo — Opisyal ng Chile_fororder_20210419Chile1

Aniya, ipinakikita ng resulta ng pananaliksik na napaka-epektibo ng CoronaVac sa mga aspektong kinabibilangan ng pagpigil sa simtomatikong pagkalat ng virus, pagpigil sa ospitalisasyon, at pag-iwas sa kritikal na kondisyon o kaso ng pagkamatay.
 

Ayon na inilabas na datos ng panig Chilean, 67% ang episyensiya ng CorovaVac sa pagpigil sa simtomatikong pagkalat ng virus; mapipigilan nito ang 85% ng ospitalisasyon; mapipigilan nito ang 89% ng admisyon sa intensive care unit; at 80% naman ang episyensiya nito sa pagpigil sa kaso ng pagkamatay.

Bakunang CoronaVac ng Tsina, napatunayang napaka-epektibo — Opisyal ng Chile_fororder_20210419Chile2

Sa kasalukuyan, maalwang sumusulong ang malawakang pagbabakuna kontra COVID-19 sa Chile.
 

Mahigit 5 milyong katao ang natapos nang iniksyunan ng dalawang dosis ng nasabing bakuna.
 

Target ng bansa na babakunahan ang 15 milyon mamamayan sa kalagitnaan ng taong ito.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method