Pangulong Tsino, dadalo sa seremonya ng pagbubukas ng taunang pulong ng BFA sa 2021

2021-04-19 16:06:16  CMG
Share with:

Ipinatalastas Lunes, Abril 19, 2021 ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa pamamagitan ng video link, dadalo at bibigkas ng keynote speech bukas, Abril 20, 2021 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa seremonya ng pagbubukas ng taunang pulong ng Boao Forum for Asia (BFA).

Pangulong Tsino, dadalo sa seremonya ng pagbubukas ng taunang pulong ng BFA sa 2021_fororder_20210419BFA550

Lalahok din sa nasabing virtual annual conference ang mga lider mula sa Brunei, Chile, Indonesia, Kazakhstan, Laos, Timog Korea, Singapore, Sri Lanka, Biyetnam, Bangladesh, Cambodia, Malta, Mongolia, New Zealand, at mga namamahalang tauhan ng mga organisasyong pandaigdig tulad ng Ika-75 Pangkalahatang Asemblea ng United Nations (UN), at International Monetary Fund (IMF).


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method