Binuksan nitong Linggo, Abril 18, 2021 ang taunang pulong ng Boao Forum of Asia (BFA) sa taong 2021.
Nitong nakalipas na ilang taon, tatlong beses na bumisita sa Boao si Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Sa pamamagitan ng pagtatalumpati, pakikipagtalakayan sa mga mangangalakal at iba pang porma, inilahad niya ang mungkahi at katalinuhan ng Tsina hinggil sa pag-unlad ng Asya at daigdig, at isinalaysay ang mas malaking pagkakataong dulot ng pag-unlad ng Tsina para sa Asya at buong mundo.
Noong Abril ng 2013, dumalo si Xi sa tauhang pulong ng BFA. Ito ang kauna-unahang home diplomatic activity na nilahukan ni Xi - di-kukulanging isang buwan lamang makaraan niyang manungkulan bilang pangulo ng bansa.
Dito, sinabi niyang patitibayin ng Tsina ang relasyong pangkapitbansa at pangkaibigan, palalalimin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, at magpupunyagi upang hayaan ang mga kapitbansa na makinabang sa pag-unlad ng Tsina.
Dalawang taon matapos ito, muling bumisita si Xi sa Boao, at sa pagkakataong ito, iminungkahi niyang buuin ang komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Asya.
Noong 2018, sa okasyon ng ika-40 anibersaryo ng pagsasagawa ng Tsina ng reporma at pagbubukas, ipinatalastas ni Pangulong Xi sa Boao ang isang serye ng mahahalagang hakbangin hinggil sa pagpapalawak ng pagbubukas sa labas. Ipinagdiinan niyang dapat hayaan ang mga kompanya at mamamayang Tsino na makinabang sa bunga ng pagbubukas sa lalong madaling panahon, at hayaan din ang mga kompanya at mamamayan ng iba’t ibang bansa ng daigdig na tamasahin ang bunga ng pagbubukas ng Tsina.
Sa kanyang tatlong beses na pagtatalumpati sa Boao, 56-beses na binanggit ni Xi ang pagbubukas, at paulit-ulit niyang inilahad ang pagkakataong dulot ng bukas na Tsina para sa buong daigdig.
Ang kasalukuyang taon ay ika-20 anibersaryo ng pagkakatatag ng BFA. Anu-anong bagong pagkakataon ang ibubunsod ng Tsina, pagkaraang buuin ang bagong kayariang pangkaunlaran at simulan ang konstruksyon ng ika-14 na panlimahang taong plano?
Tulad ng sabi ni Xi, kasabay ng pagsasakatuparan ng sariling kaunlaran, ihahatid ng Tsina ang mas maraming benepisyo sa ibang bansa at kanilang mga mamamayan.
Salin: Vera
Pulido: Rhio