Halalang pampanguluhan ng Syria, gaganapin sa Mayo

2021-04-19 12:32:24  CMG
Share with:

Ipinatalastas Linggo, Abril 18, 2021 ni Hamouda Sabbagh, Ispiker ng Parliamento ng Syria, na nakatakdang idaos sa bansa ang halalang pampanguluhan sa Mayo, 2021.
 

Ayon sa kanya, sisimulan ang pagboto sa loob ng bansa sa Mayo 26, samantalang sa Mayo 20 naman gaganapin ang pagboto ng mga mamamayang nasa ibayong dagat.
 

Batay sa konstitusyon ng Syria, ang pangulo ng bansa ay maihahalal, sa pamamagitan ng direktang pagboto ng mga mamamayan, at may 7 taong termino.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method