Xi Jinping, nagpa-abot ng pangungumusta sa pangulo ng Syria

2021-03-11 10:58:14  CMG
Share with:

Kaugnay ng pagkahawa sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) ni Pangulong Bashar al-Assad ng Syria at kanyang unang ginang, ipinadala nitong Miyerkules, Marso 10, 2021 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensahe bilang pangungumusta.
 

Ipina-abot ni Xi ang kanyang personal na pangungumusta at pangungumusta ng kanyang asawang si Peng Liyuan sa unang mag-asawa ng Syria.
 

Inihayag din niya ang pananabik sa kanilang maagang paggaling.
 

Saad ni Xi, buong tatag na sinusuportahan ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino ang paglaban ng pamahalaan at mga mamamayang Syrian sa pandemiya ng COVID-19.
 

Nananalig aniya siyang sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Bashar, tiyak na mapagtatagumpayan ng mga mamamayang Syrian ang pandemiya.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method