Mensaheng pambati, ipinadala ni Xi Jinping sa bagong lider ng partido ng Cuba

2021-04-20 16:16:52  CMG
Share with:

Ipina-abot Abril 19, 2021, ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina at Pangulo ng bansa, ang mensaheng pambati kay Miguel Diaz-Canel Bermudez, bagong halal na Unang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Cuba.

Mensaheng pambati, ipinadala ni Xi Jinping sa bagong lider ng partido ng Cuba_fororder_guba

Sinabi ni Xi, na nananalig siyang sa pamumuno ni Bermudez, tiyak na lalo pang magkakaisa at magsisikap ang mga mamamayan ng Cuba at walang humpay na matatamo ang bagong bunga sa usapin ng sosyalismong may katangian ng Cuba.

 

Ani Xi, nitong ilang taong nakalipas, narating ng lider ng Tsina at Cuba ang maraming komong palagay kaugnay ng pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa sa bagong panahon.

 

Sinabi din niyang sa ilalim ng bagong kalagayan, nakahanda ang Tsina na palakasin ang relasyon ng dalawang partido at dalawang bansa, pabutihin ang tradisyonal na pagkakaibigan, at palalimin ang pagpapalitan at pagtutulungan, para magkasamang pasulungin ang pag-unlad ng sosyalismong usapin ng kapuwaTsina at Cuba.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method