Relasyon ng Tsina at Cuba, isusulong

2021-03-29 10:26:05  CMG
Share with:

Sa balik-liham kamakailan kina Raul Modesto Castro Ruz, Unang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Cuba at Miguel Diaz-Canel Bermudez, Pangulo ng bansa, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pasasalamat sa pagbati ng mga lider ng Cuba sa komprehensibong tagumpay na natamo ng Tsina sa pagpawi sa karalitaan.

 

Ipinahayag ni Xi na nitong ilang taong nakalipas, patuloy na lumalalim ang tradisyonal na pagkakaibigang Sino-Cuban, at komprehensibong umuunlad ang mapagkaibigang kooperasyon.

 

Diin pa niya, tulad ng dati, susuportahan ng Tsina ang pagtahak ng Cuba sa sosyalistang landas, at pasusulungin pa ang relasyon ng dalawang bansa.

 

Ipinadala kamakailan ng nasabing dalawang lider ng Cuba ang liham kay Xi na nagpapahayag ng pagbati sa tagumpay ng misyon ng Tsina upang pawiin ang ganap na karalitaan.  

 

Ipinahayag din nila ang kahandaan ng Cuba na buong tatag na palalimin ang relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon sa Tsina.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method