Sa kabila ng malawakang pagbatikos sa loob at labas ng bansa kaugnay ng isyu ng pagtatapon ng nuclear wastewater, patuloy pa ring lumilihis sa tamang landas ang mga gawain ng pamahalaang Hapones.
Inihayag kamakailan ng isang opisyal ng Hapon na mas mababa kaysa Hapon ang pamantayan ng mga nuclear power plant ng Tsina at Timog Korea sa paghawak ng wastewater.
Tangka ng ganitong pananalita na pagtakpan ang isang nukleong katotohanan: naganap ang aksidenteng nuklear sa pinakamataas na antas sa Fukushima Daiichi nuclear power plant, at nagkaroon ng napakaraming radioactive isotopes ang contaminated wastewater dahil sa aksidenteng nabanggit.
Magkaiba ang esensya ng radioactive wastewater ng Fukushima nuclear power plant at regular na nuclear liquid discharge mula sa normal na operasyon ng mga nuclear power plant.
Kitang-kita sa aksyon ng panig Hapon na gusto nitong ilihim ang kapinsalaang dulot ng radioactive wastewater ng Fukushima, at gawing lehitimo ang kapasiyahan nito sa pagtatapon ng nakalalasong tubig sa dagat.
Ang mga kilos at pananalita ng Hapon sa isyu ng pagtatapon ng nuclear wastewater ay hawig sa kaisipan ng militarism at ekstrimistikong egotism na ipinalaganap ng bansa noong panahon ng World War II.
Kung itatapon ng Fukushima nuclear power plant ang radioactive wastewater sa dagat, ang kapinsalaan at epektong idudulot nito ay magiging mas malubha kaysa epektong dulot ng digmaan.
Dapat muling suriin ng Hapon ang situwasyon at bawiin ang nasabing maling kapasiyahan.
Hindi dapat gawin ng Hapon ang mga tampalasang bagay na lubhang makakasama sa kinabukasan ng sangkatauhan at mga susunod na henerasyon.
Salin: Vera
Pulido: Rhio