Amerika, dapat isabalikat ang responsibilidad sa pantay na pagbabahagi ng bakuna kontra COVID-19 —— Tsina

2021-04-21 16:03:23  CMG
Share with:

Ipinahayag Abril 20, 2021, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na dapat gawin bilang produkto ng pampublikong kalusugan ang bakuna kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), na maaaring gamitin ng mamamayan ng mga umuunlad na bansa.

 

Aniya, hangga’t maaari, dapat ipagkaloob ang tulong sa mga bansa at rehiyon na may mahinang kakayahan sa paglaban sa pandemiya ng COVID-19.

 

Ito ang pagkapantay-pantay at katarungang dapat igiit ng komunidad ng daigdig, saad niya.

 

Amerika, dapat isabalikat ang responsibilidad sa pantay na pagbabahagi ng bakuna kontra COVID-19 —— Tsina_fororder_wangwenbin

Kaugnay nito, inu-ulat kamakailan sa media ng India, na ipinahayag ni Adar Poonawalla, Chief Executive Officer (CEO) ng Serum Institute of India (SII), ang pag-asang kakanselahin ng Amerika ang pagbabawal sa pagluluwas ng mga materyal ng bakuna kontra COVID-19, para pataasin ang bolyum ng pagpoprodyus ng bakuna sa India.

 

Bukod dito, binigyan-diin ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor-Heneral ng World Health Organization(WHO) na maaaring kontrolin ng daigdig ang pandemiya ng COVID-19 sa darating na ilang buwan kung magkakaroon ng pantay-pantay na pagbabahagi ng mga kinakailangang yaman na tulad ng bakuna.

 

Kaugnay nito, tinukoy ni Wang na ayon sa kinauukulang estadistika, ang Amerika ay nasa ikalawang puwesto sa bolyum ng pagpoprodyus ng bakuna sa buong daigdig, pero maliit ang bolyum ng bakunang iniluluwas nito sa ibang bansa.

 

Sinabi ni Wang na dapat isakatuparan ng Amerika ang pandaigdigang responsibilidad nito.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method