3 bilyong dosis, tintayang output ng bakuna kontra COVID-19 ng Tsina sa 2021

2021-04-21 12:04:07  CMG
Share with:

Sa kanyang pagdalo sa sidelines forum ng taunang pulong ng Boao Forum for Asia (BFA) hinggil sa suplay at accessibility ng bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), inihayag nitong Martes, Abril 20, 2021 ni Zheng Zhongwei, Direktor ng Sentro ng Pananaliksik sa Siyensiya’t Teknolohiyang Medikal at Pangkalusugan ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, na dahil sa mas maagang estratehikong desisyon, bentaheng pansistema at may inobasyong pag-oorganisa at pangangasiwa, halos 5 bilyong dosis na ang production capacity ng bakuna kontra COVID-19 ng Tsina sa buong taon.

3 bilyong dosis, tintayang output ng bakuna kontra COVID-19 ng Tsina sa 2021_fororder_20210421ZhengZhongwei1

Aniya pa, tinatayang lalampas sa 3 bilyong dosis ang output ng bakuna sa kasalukuyang taon.
 

Dagdag niya, sa proseso ng pagdedeploy ng produksyon ng bakuna, isinaalang-alang ng Tsina ang pangangailangan ng buong mundo sa paglaban sa pandemiya.
 

Sa huling hati ng taong ito, inaasahang maipagkakaloob ng bansa ang mas malaking suplay ng bakuna sa daigdig, sa pamamagitan ng mga multilateral at bilateral na mekanismo.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method