Taunang pulong ng BFA, ipininid

2021-04-22 15:56:42  CMG
Share with:

Boao, Lalawigang Hainan ng Tsina—Ipininid Miyerkules ng hapon, Abril 21, 2021 ang 4-araw na taunang pulong ng Boao Forum for Asia (BFA).
 

Sa news briefing nang araw ring iyon, sinabi ni Li Baodong, Pangkalahatang Kalihim ng BFA, na natamo ng taunang pulong sa kasalukuyang taon ang mahalagang positibong bunga.
 

Aniya, nagkaisang magkapit-bisig ang mga kalahok kaugnay ng paglaban sa pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), at pagpapalakas ng global governance.
 

Nanawagan din aniya sila upang pangalagaan ang multilateralismo at palakasin ang pag-uugnayan at pagkokoordinahan.
 

Tinalakay rin sa pulong ang hinggil sa direksyon ng pagpapanumbalik ng kabuhayang pandaigdig at pagpapasulong sa komong kaunlaran, dagdag ni Li.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method