Pangalawang pangulong Tsino, dumalo sa taunang pulong ng BFA

2021-04-21 11:43:44  CMG
Share with:

Boao, Lalawigang Hainan ng Tsina—Dumalo Martes, Abril 20, 2021 si Pangalawang Pangulong Wang Qishan ng Tsina sa seremonya ng pagbubukas ng taunang pulong ng Boao Forum for Asia (BFA).
 

Pangalawang pangulong Tsino, dumalo sa taunang pulong ng BFA_fororder_20210421WangQishan1

Saad ni Wang, sa virtual keynote speech ni Pangulong Xi Jinping, inilahad niya ang paninindigan at plano ng Tsina hinggil sa pagpapasulong sa kaunlaran at kasaganaan ng Asya at daigdig.
 

Ito ani Wang ay nagpakita ng palagiang pagsuporta ng pamahalaang Tsino sa pag-unlad ng BFA.

Pangalawang pangulong Tsino, dumalo sa taunang pulong ng BFA_fororder_20210421WangQishan2

Samantala, sa kanyang pakikipagtagpo sa mga miyembro ng board of directors at mga strategic partner ng BFA, iminungkahi ni Wang na dapat buuin sa porum ang “pananaw ng Boao” na nagpapakita ng katalinuhan ng Asya, at iharap ang mas mabuting plano para sa pangmalayuang kaunlaran at kasaganaan ng Asya.
 

Bukod dito, dumalo rin si Wang sa talakayan ng mga mangangalakal na Tsino’t dayuhan.

Pangalawang pangulong Tsino, dumalo sa taunang pulong ng BFA_fororder_20210421WangQishan3

Ipinagdiinan niyang walang hanggang ang pag-unlad, reporma at pagbubukas.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method