Nagbigay ng alay Abril 21, 2021, si Punong Ministro Yoshihide Suga ng Hapon sa Yasukuni Shrine, lugar kung saan nakadambana ang mga labi ng mga kriminal ng Ikalawang Digmaang Pandigdig (WWII).
Kaugnay nito, ipinahayag nang araw ring iyon ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na matatagpuan sa Yasukuni Shrine ang mga labi ng mga Class-A war criminal ng WWII, na direktang responsable sa pananalakay ng Hapon sa ibang bansa.
Diin ni Wang, matinding tinututulan ng Tsina ang naturang maling aksyon ni Suga.
Hinihimok aniya ng Tsina ang Hapon na sundin ang prinsipyo ng 4 na dokumentong pampulitika ng Tsina at Hapon, aktuwal na isakatuparan ang four-point principled consensus, tumpak na pakitunguhan ang kasaysayang mapanalakay ng sariling bansa, at lumayo sa militarism upang matamo ang tiwala ng Asya at buong daigdig.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio