Tsina sa Hapon: maingat na hawakan ang usapin ng Fukushima nuclear wastewater

2021-04-22 15:25:09  CMG
Share with:

Sa virtual meeting nina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Heiko Josef Maas, Ministrong Panlabas ng Alemanya nitong Miyerkules, Abril 21, 2021, ipinahayag ni Wang na ang kapasiyahan ng pamahalaang Hapones na itapon sa dagat ang nuclear wastewater ng Fukushima nuclear power plant ay hindi lamang direktang makakapinsala sa kapakanan ng mga mamamayan ng Tsina at mga kapitbansa nito, kundi magsasapanganib din sa pandaigdigang kapaligirang pandagat at pampublikong kalusugan ng daigdig.

 

Sa bandang huli, mapipinsala ang komong kapakanan ng komunidad ng daigdig na kinabibilangan ng Hapon, ani Wang.

 

Diin niya, dapat matimtim na tugunan ng Hapon ang grabeng pagkabahala ng komunidad ng daigdig, mga kapitbansa, at sarili nitong mga mamamayan.

 

Dapat maging responsible ang Hapon sa pampublikong kapakanang pandaigdig at aktuwal na ipatupad ang karapat-dapat na obligasyong pandaigdig nito, aniya pa.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method