Berdeng pag-unlad ng Tsina, makakatulong sa kalusugan ng mundo - UNEP

2021-04-22 17:02:26  CMG
Share with:

Sa ilalim ng temang “Restore Our Earth,” ipinagdiwang ngayong araw, Abril 22, 2021, ang ika-52 World Earth Day.

 

Kaugnay nito, pinapurihan ni Levis Kavagi, Africa Coordinator sa United Nations Environment Programme (UNEP) ang mga hakbangin at ideya ng Tsina na tulad ng berde at may harmonyang pag-unlad at iba pa.

 

Nananalig siyang patuloy na papatingkarin ng Tsina ang malaking positibong papel para sa kalusugan ng mundo.

 

Samantala, kaugnay ng Ika-15 Pulong ng Conference of Parties (COP 15) to the Convention on Biological Diversity (CBD) na nakatakdang idaos sa Oktubre 2021, sa lunsod Kunming ng Tsina, ipinahayag ni Kavagi na bilang host country, pasusulungin ng Tsina ang pulong na magdudulot ng bagong kasiglahan sa pagsasa-ayos ng kapaligiran ng buong daigdig.

 

Tinukoy ni Kavagi na sa harap ng problemang pangkapaligiran, dapat magkaisa ang buong daigdig para magkakasamang panumbalikin ang malusog na mundo.

Berdeng pag-unlad ng Tsina, makakatulong sa kalusugan ng mundo - UNEP_fororder_diqiuri

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method