Sa magkakahiwalay na okasyon, nag-usap sa telepono kahapon, Abril 22, 2021, si Wang Yi, kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at sina Don Pramudwinai, Pangalawang Pangulo at Ministrong Panlabas ng Thailand, at Erywan bin Pehin Yusof, Ikalawang Ministrong Panlabas ng Brunei.
Nagpalitan ng kuru-kuro ang 3 Foreign Ministers kaugnay ng kasalukuyang kalagayan sa Myanmr.
Ipinahayag ni Wang na napakahalaga ng darating na Espesyal na Pulong ng mga lider ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Aniya, inaasahan ng Tsina na patitingkarin ng pulong ang konstruktibong papel para sa pagpapahupa ng kalagayan sa Myanmar, at isasakatuparan ang target na “tatlong pagpapabuti:” pagpapabuti sa rekonsiliyasyong pulitikal sa loob ng Myanmar, pagpapakita ng kontruktibong papel ng ASEAN, at pagbabawas ng pakiki-alam ng puwersang galing sa labas ng rehiyong ito.
Samantala, ipinahayag ni Wang na mahigpit na makikipagkoordina ang Tsina sa ASEAN, at patuloy na makikipagkooperasyon sa iba’t ibang panig ng Myanmar sa sariling paraan ng Tsina.
Salin:Sarah
Pulido:Mac