Bilateral na kooperasyon at kalagayan ng Myanmar, pinag-usapan ng FM ng Tsina at Indonesya

2021-04-03 15:13:48  CMG
Share with:

Bilateral na kooperasyon at kalagayan ng Myanmar, pinag-usapan ng FM ng Tsina at Indonesya_fororder_W020210402546466873342

 

Dapat pasulungin ng Tsina at Indonesya ang pragmatikong kooperasyon, at palakasin ang koordinasyon sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig, para magbigay ng mas malaking ambag sa katatagan at kaunlaran ng Asya at buong mundo, pagkaraan ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

 

Ipinahayag ito ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina sa kaniyang pakikipag-usap kay Retno Marsudi, Ministrong Panlabas ng Indonesya.

 

Nagtagpo ang dalawang opisyal kahapon, Biyernes, ika-2 ng Abril 2021, sa lunsod ng Nanping, lalawigang Fujian, sa timog silangang Tsina.

 

Bilateral na kooperasyon at kalagayan ng Myanmar, pinag-usapan ng FM ng Tsina at Indonesya_fororder_W020210402546466883993

 

Sinabi naman ni Retno, na nakahanda ang Indonesya, kasama ng Tsina, na palalimin ang bilateral na relasyon at kooperasyon sa iba't ibang aspekto. Kinakatigan ng Indonesya ang pagpapalakas ng kooperasyon ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), dagdag niya.

 

Tinalakay din ng dalawang opisyal ang posisyon sa kalagayan ng Myanmar. Sinang-ayunan nilang sa pamamagitan ng paraan ng ASEAN at sa loob ng balangkas ng ASEAN, himukin ang iba't ibang panig ng Myanmar na hanapin ang solusyong pulitikal, at iwasan ang pakikialam sa suliraning panloob ng bansang ito.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method