Konstruktibong diyalogo ng iba’t ibang panig ng Myanmar, ipinanawagan ng mga lider ng ASEAN

2021-04-25 14:48:04  CMG
Share with:

Jakarta, Indonesia—Pagkatapos ng espesyal na summit ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) hinggil sa isyu ng Myanmar, inilabas ang pahayag ng tagapangulong bansa ng ASEAN, kung saan ipinanawagan sa iba’t ibang panig ng naturang bansa na simulan ang konstruktibong diyalogo, para hanapin ang mapayapang solusyong angkop sa kapakanan ng mga mamamayan.
 

Anang pahayag, bilang isang malaking pamilya, mahigpit na tinalakay ng mga lider ng ASEAN ang pinakahuling pangyayari sa Myanmar, at pinag-ukulan ng pansin ang kalagayan dito.
 

Ayon pa sa pahayag, narating ng mga lider ng ASEAN ang limang komong palagay hinggil sa kalagayan ng Myanmar na kinabibilangan ng mga sumusunod: pagpapanatili ng pagtitimpi ng iba’t-ibang panig sa pinakamalaking digri; pagsisimula ng konstruktibong papel ng iba’t ibang panig; pagpapasulong ng ASEAN sa proseso ng mediyasyon at iba pa.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method