Mensahe ng pagbati, ipinadala ni Wang Qishan, kay Đặng Thị Ngọc Thịnh sa kanyang panunungkulan bilang Pangalawang Pangulo ng Biyetnam

2021-04-07 11:00:04  CMG
Share with:

Ipinadala nitong Martes, Abril 6, 2021 ni Pangalawang Pangulong Wang Qishan ng Tsina ang mensahe kay Đặng Thị Ngọc Thịnh bilang pagbati sa kanyang panunungkulan bilang Pangalawang Pangulo ng Biyetnam.

 

Sinabi ni Wang, na sa ilalim ng magkasamang pagsisikap ng dalawang panig, mainam ang pag-unlad ng relasyong Sino-Biyetnames nitong ilang taong nakalipas.

 

Nakahanda si Wang na magsikap kasama ni Đặng Thị Ngọc Thịnh para walang humpay na mapatibay at mapalalim ang komprehensibo’t estratehikong kooperasyon at makapagbigay ng ambag sa pag-unlad ng relasyong pangkaibigan ng dalawang bansa.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method