Mga PM ng Tsina at Laos, nag-usap tungkol sa bilateral na relasyon

2021-04-24 16:35:29  CMG
Share with:

Nag-usap sa telepono, kahapon, Biyernes, Abril 23, 2021, sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Bagong Punong Ministro Phankham Viphavanh ng Laos.

 

Sinabi ni Li, na ang relasyong Sino-Lao ay isa sa mga mahalagang aspekto ng diplomasya ng Tsina sa mga bansang nakapaligid. Nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng Laos, na dagdagan ang pagkakaibigan, palalimin ang pagtutulungan, at pasulungin ang komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng dalawang bansa.

 

Ipinahayag din ni Li ang pag-asa ng panig Tsino, na samantalahin ng dalawang bansa ang okasyon ng ika-30 anibersaryo ng relasyong pandiyalogo ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), para ibayo pang pataasin ang lebel ng relasyong Sino-ASEAN, at pasulungin ang pagpapatupad ng bisa ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) sa lalong madaling panahon.

 

Ipinahayag naman ni Phankham ang kahandaan ng Laos, na palalimin at palawakin, kasama ng Tsina, ang pagkakaibigan at pagtutulungan ng dalawang bansa.

 

Palalakasin din aniya ng Laos ang pakikipagkoordina sa Tsina sa mga suliranin ng rehiyon at daigdig, at ibayo pang pasusulungin ang relasyong ASEAN-Sino.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method