Mensaheng pambati, ipinadala ni Wang Yang kay Sinlavong Khoutphaythoune kaugnay ng ika-60 anibersaryo ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Laos

2021-04-26 15:55:05  CMG
Share with:

Isang mensahe ang ipinadala nitong Linggo, Abril 25, 2021 ni Wang Yang, Tagapangulo ng Chinese People's Political Consultative Conference (CPPCC) kay Sinlavong Khoutphaythoune, Pangulo ng Komisyong Sentral ng Lao Front for National Development (LFND) bilang pagbati sa ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.

 

Sinabi ni Wang na nitong 60 taong nakalipas, sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Laos, nananatiling mabilis ang tunguhin ng pag-unlad ng relasyong Sino-Lao.

 

Kasama ni Sinlavong Khoutphaythoune, nakahanda si Wang para palalimin pa ang pagpapalitan at pagtutulungan ng CPPCC at LFND, at magbigay ng mas malaking ambag sa usaping pangkaibigan ng dalawang bansa.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method