Inilabas kamakailan ng Chinese media ang artikulong pinamagatang “Things to Know about All the Lies on Xinjiang: How Have They Come About?”
Tungkol dito, sinabi nitong Martes, Abril 27, 2021 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang nasabing artikulo ay makakatulong sa pagka-unawa ng mga mambabasa ng katotohanan hinggil sa pagdungis at paninirang-puri ng ilang taong kanluranin sa sa Tsina, sa pamamagitan ng pagluluto ng mga kasinungalingang may kinalaman sa Xinjiang.
Ani Wang, hindi pagtatakpan ng kasinungalingan ang katotohanan. Nitong nakalipas na ilang panahon, dumarami nang dumarami ang mga personahe sa daigdig na nagbunyag ng mga kasinungalingan ng mga bansang kaluranin hinggil sa Xinjiang.
Tiyak na mabibigo ang tangkang bahiran ang Tsina sa pamamagitan ng pagluluto ng kasinungalingan, dagdag niya.
Salin: Vera
Pulido: Mac