Mas makatarungang tinig tungkol sa Xinjiang, mapapakinggan

2021-04-24 16:34:09  CMG
Share with:

Binigyan ng positibong pagtasa, kahapon, Biyernes, Abril 23, 2021, ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang artikulo tungkol sa Xinjiang na inilabas sa website ng Project Syndicate, international media organisasyon na nakabase sa Amerika na nakatuon sa mga komentaryo at analisis.

 

Sa naturang artikulong pinamagatang "The Xinjiang Genocide Allegations Are Unjustified," sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga obdiyektibo at tunay na impormasyon, sinabi nitong binabatikos ng Amerika, nang walang ebidensya, ang Tsina sa pagsasagawa ng di-umanong "genocide" sa Xinjiang, at dapat bawiin ng Amerika ang maling akusasyong ito.

 

Kaugnay nito, sinabi ni Zhao, na tulad ng opinyon sa artikulong ito at paulit-ulit na pahayag ng panig Tsino, ang di-umanong "genocide" sa Xinjiang ay malaking kasinungalingang ini-imbento ng mga puwersang kontra-Tsina, para sirain ang katatagan sa Xinjiang at dungisan ang Tsina.

 

Dagdag niya, nitong nakalipas na ilang panahon, parami nang paraming tao sa mundo ang nagpahayag ng mga obdiyektibo at makatarungang pananaw tungkol sa mga suliraning may kinalaman sa Xinjiang. Mapapakinggan aniya ang mas maraming katulad na tinig sa hinaharap.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method