Sa aktibidad na idinaos kamakailan ng grupong naninindigan sa “pagsasarili ng Taiwan,” ipinahayag ni Yao Chia-wen, isa sa mga co-convenor ng umano’y “constitutionalism group” ng Democratic Progressive Party, na ang pundamental na paninindigan ng bagong “konstitusyon” ng Taiwan ay “baguhin ang pangalan nito” sa “Republika ng Taiwan.”
Kaugnay nito, ipinahayag ni Ma Xiaoguang, Tagapagsalita ng Konseho ng Estado sa mga Suliranin ng Taiwan, na mahigpit na sinusubaybayan ng Chinese mainland ang naturang kalagayan.
Sinabi niya na hinahanap ng iilang elementong naninindigan ng “pagsasarili ng Taiwan” ang kanilang pribadong kapakanan, at binabawela nila ang kapakanan at benepisyo ng mga mamamayang Taiwanes.
Ito aniya ay nakakapagpasidhi lamang sa kaligaligan ng relasyon ng magkabilang pampang, at makakapagbigay ng grabeng kalamidad sa mga kababayang Taiwanes. Buong tinding tinututulan ng Chinese mainland ang separatistang aksyon ng Taiwan sa anumang porma.
Salin: Lito
Pulido: Mac