Solemnang representasyon, iniharap ng panig Tsino kaugnay ng pagpapadala ng mga tauhan ng Amerika sa Taiwan

2021-04-15 16:00:22  CMG
Share with:

Sinabi nitong Miyerkules, Abril 14, 2021 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina na iniharap na ng panig Tsino ang solemnang representasyon hinggil sa pagpapadala ng mga tauhan ng pamahalaang Amerikano sa Taiwan.
 

Ayon sa ulat, ipinadala ni Pangulong Joe Biden ng Amerika sina dating senator Chris Dodd, at mga dating pangalawang kalihim ng estado Richard Armitage at James Steinberg sa Taiwan.
 

Sa panahon ng kanilang pagbisita, kakatagpuin sila ng mga opisyal ng Taiwan na kinabibilangan ni Tsai Ing-wen.
 

Kaugnay nito, inihayag ni Zhao ang buong tatag na pagtutol ng Tsina sa anumang porma ng opisyal na pagpapalitan sa pagitan ng Amerika at Taiwan.
 

Aniya, sa mula’t mula pa’y malinaw ang paninindigan ng panig Tsino hinggil dito.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method